Sunday, 7 December 2014

CATAINGAN LGU IN ACTION!


December 4, 2014, nang mabalita sa lahat ng istasyon ng telebisyon, sa radyo, at sa social media na may paparating na bagyo sa pilipinas bandang 6:30 ng umaga ayon sa Joint Typhoon Warning Center (JTWC) ng Amerika minarkahan ito bilang "SUPER TYPHOON" at may international name na "HAGUPIT".

Namataan ang mata ng Bagyo na may 1,023 kilometers Silangan ng Surigao City ayon sa PAG-ASA taglay ng bagyo ang lakas ng hangin
175 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna, bugso na hanggang 210 kph. Inaasahang kikilos ito pa-kanluran, hilagang-kanluran sa bilis na 25 kph.

December 5, naglabas ng storm warning signal ang PAG-ASA at ipinilabas sa telebisyon ang mga lugar na posibleng tamaan ng bagyo signal no. 1 ang "MASBATE"


Pinangunahan ng ating HONORABLE MAYOR "WILTON T. KHO", LOCAL OFFICIALS of CATAINGAN, LGU CATAINGAN, PNP-CATAINGAN - ang forced evacuation sa mga Coastal Area, para sa paghahanda sa papalapit na BAGYONG RUBY.


December 6, 2014, alas 10 ng gabi unti-unti ng nagpaparamdam ang bagyo, malakas na hangin, pabugso-bugsong ulan, nawala na ang source ng kuryente - wala kang ibang madidinig kundi ang malakas na bayo ng hangin, at ulan - nakakatakot dahil sa inihatid na balita ng radyo na hindi pa nakakpag landfall ang bagyong ruby sa MASBATE , patuloy pa rin nitong nananalasa sa SAMAR at TACLOBAN dahil sa bagal ng takbo nito - dala pa rin nito ang mapanganib na HANGIN at ULAN! inilabas ng MEDIA ang lugar na posibleng magkaroon ng STORM SURGE at ilan dito ay mga COASTAL AREAS na sinasakupan ng MASBATE.

Kasabay din sa inanunsyo ang STORM WARNING SIGNAL NO. 3 sa ilang lugar at kabilang na ang MASBAtE sa lugar na inilabas.


December 7, 2014, ng mag landfall sa MASBATE ang BAGYONG RUBY! tulad ng inaasahan, ang hagupit ng bagyo ay mistulang mapanganib!

(NO ACTUAL PHOTOS WE'RE ATTACH DURING TYPHOON)


Gayunpaman pagkatapos Manalasa ng BAGYONG RUBY!
iniulat na walang NASAWI sa BAGYO dito sa CATAINGAN.
hindi pa inilabas kung ilang mga ari-arian ang mg nawasak sa bagyo!

PERO NAGPAPASALAMAT PA RIN TA'YO AT WALANG BUHAY NA NASAWI!!!


KUDOS TO THE FOLLOWING:
HON. WILTON T. KHO - MAYOR OF CATAINGAN
HON. CAPT. TERESA ADUAN ADOPTANTE
CATAINGAN LGU - BARANGAY KAGAWADS, SANGGUNIANG BAYAN MEMBERS,

CATAINGAN NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT COUNCIL - NDRRMC
PHILIPPINE NATIONAL POLIC - CATAINGAN STATION
VOLUNTEERS FROM DIFFERENT OFFICES IN MUNICIPALITY OF CATAINGAN
CIVILIAN VOLUNTEERS



TAOS PUSO PO KAMING NAGPAPASALAMAT SA INYONG LAHAT!




(CREDITS TO THE OWNER OF THE PHOTOS)






No comments:

Post a Comment